BULGAR

Nov 30, 2022

Bukod na pinagpala… RURU, SUWERTE NA SA CAREER, JACKPOT PA KAY BIANCA

ni Nitz Miralles - @Bida | November 30, 2022

Banner year ni Ruru Madrid ang 2023 sa dami ng projects na kanyang gagawin na karamihan ay sa GMA Public Affairs.

In-announce na ang Book 2 ng Lolong na ang magiging title ay Lolong: Ang Luha ng Unang Atubaw. Magugustuhan ng mga sumubaybay sa Lolong kung mapapanood ang same cast, maliban sa namatay ang karakter.

Gagawin din ni Ruru at ng girlfriend nitong si Bianca Umali ang romantic drama na The Write One. Ang GMA Public Affairs pa rin ang producer nito at ka-collab ang isang major online platform. Kasama sa istorya ang isang magic typewriter.

Bagay din kay Ruru ang iba pang project ng GMA Public Affairs na The Black Rider at Sireno.

Pero, baka may magreklamo na, kaya posibleng sa iba ibigay ang dalawang projects.

Big bonus kay Ruru na masaya rin ang love life niya sa piling ni Bianca at kaya siya nakakapagtrabaho nang maayos dahil happy ang kanyang love life. Nabanggit nito na si Bianca ang rason kung bakit masaya siyang gumigising sa umaga.

    0