BULGAR

Apr 14

Buking, aktres, wallpaper pa rin sa cellphone ng ex-BF… BEA, BINURA NA ANG MGA PIKTYUR NI DOMINIC SA IG NIYA

ni Nitz Miralles @Bida | April 14, 2024

Agad naming tsinek ang Instagram ni Dominic Roque kung may photos pa ba ni Bea Alonzo dahil sa balitang dinelete na ni Bea ang photos ng kanyang ex sa IG (Instagram) niya.

Ayun, may photos pa ni Bea sa IG ni Dom at hindi na yata siya magde-delete.

Binalikan namin ang IG ni Bea, pero wala na talagang photos ni Dominic kahit ‘yung last trip nila sa Japan. Ang dami ring photos ‘yun at kasama ang memories sa mga binura ni Bea.

Sabi ng mga netizens, kaya raw binura ni Bea ang photos ni Dominic sa IG niya dahil sa nabalitang kahit break na sila, siya pa rin ang nasa wallpaper ng phone ng ex-BF. 

May mga nalungkot, pero may mga natuwa rin para kay Dominic. Malaya na raw siya, makakapag-move on na nang bongga. Puwede na rin daw siyang makipag-date nang walang fans na magre-react.

    0