BULGAR

Sep 30, 2023

Bagyong Jenny, hahataw

ni Mai Ancheta @News | September 30, 2023

Inaasahang magiging maulan ang weekend dahil sa pagpasok ng Bagyong Jenny sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area sa silangang bahagi ng Central Luzon.

Ang Bagyong Jenny ang ika-10 tropical cyclone na pumasok sa bansa ngayong taon.

Inaasahang magdadala ang bagyo ng mga pag-ulan sa hilagang bahagi ng Visayas at Mindanao habang ang habagat naman ay magdadala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas.

    0