BULGAR

Sep 23, 2022

Angelica Panganiban, nagsilang ng baby girl

ni Lolet Abania | September 23, 2022

Nanganak na si Angelica Panganiban ng isang baby girl!

Sa kanyang Instagram ngayong Biyernes, inanunsiyo ng bagong mom na si Angelica ang magandang balita habang nag-post ang aktres ng closeup photo ng mga mata ng kanyang newborn baby.

Sinabi rin ni Angelica ang name ng kanyang daughter at talagang birthday nito. Si Amila Sabine Homan ay isinilang noong Setyembre 20.

“Bean waiting for you all my life,” saad ni Angelica.

Nagpahayag naman sa comments section ng mga pagbati at well-wishes ang mga celebrities at followers para kay Angelica at sa kanyang first born child.

“Sis congratulations! She’s got your eyes,” sabi sa kanya ng close friend na Camille Prats.

Baby Amila, welcome to the world!

    0