BULGAR

Jul 13, 2020

All time favorite street-food, ginawang accessories?

ni Thea Janica Teh | July 13, 2020

Nami-miss niyo na ba ang mga all-time favorite street food tulad ng isaw, bbq, kwe-kwek at marami pang iba? Puwes, ito na ang chance natin na masilayan muli ang mga ito!

Trending ngayon sa social media ang mga accessories na inspired sa mga favorite nating pagkain.

Sa Instagram account na @luna.obra, makikita ang mga cute na keychain na may design na kwek-kwek, isaw, bbq, hotdog on stick at marami pang iba. Ito ay gawa sa polymer clay.

Hindi lang β€˜yan, mayroon ding hikaw at charm na designed hindi lang sa mga street food, kundi mayroon din silang halaman, fruits at kahit ahas!

Para sa iba pang detalye at para maka-order, maaaring bisitahin ang kanilang Instagram Account sa @luna.obra.

Siguradong mabubusog ang mga mata ninyo sa mga all time favorite merienda natin.

    0