BULGAR

Aug 6, 2020

After kay Jennylyn… ARNELL KAY ENCHONG: ISA PANG MAINGAY!

ni Nitz Miralles - @Bida | August 6, 2020

Pagkatapos punahin at payuhan si Jennylyn Mercado tungkol sa pagiging open sa pagpapahayag sa mga isyu ng bansa, si Enchong Dee naman ang pinansin ni Arnell Ignacio.

Ini-repost ni Arnell ang tweet ni Enchong Dee na: “The dissent & outrage of the Filipino people will continue to grow towards this arrogant & (lack of a better term) stupid administration, simple... hindi n'yo pinakikinggan kaming mga Pilipino na ninanakawan n'yo ng progresibo, matiwasay, at ligtas na kinabukasan. Ang yabang n'yo!”

Comment ni Arnell, “Another firecracker... sino ba'ng mamamayang Pilipino tinutukoy nito?"

Siguradong may sagot dito si Enchong, kaya hintayin na lang natin at silang dalawa naman ang magsasagutan.

    0