BULGAR

Jul 14, 2022

Admin aide, nahulog mula sa 4th floor ng Mabini Hall ng Malacañang, patay

ni Lolet Abania | July 14, 2022

Isang kawani na nagtatrabaho sa Malacañang compound ang nasawi matapos na mahulog mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ngayong Huwebes.

Sa isang press briefing, kinilala ni Angeles ang biktima na si Mario Castro, isang administrative aide na naka-assign sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

Ayon kay Angeles, sa ngayon ay iniimbestigahan na ang pagkamatay ni Castro. Habang nagpahayag din ng pakikiramay ang opisyal sa pamilya ng biktima.

“Kasalukuyang iniimbestigahan ang kanyang pagkamatay at nagko-coordinate ang Presidential Security Group at ang PNP Security Force Unit. May naiwang asawa at mga anak si Mr. Castro. Kami po ay nakikiramay sa kanyang pamilya,” sabi ni Angeles.

    0