BULGAR

Oct 25, 2023

7 delingkwenteng employer, nasampulan ng SSS

ni Fely Ng @Bulgarific | October 25, 2023

Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay nagsagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation noong Oktubre 13, 2023, na nag-abiso sa pitong employer na sakop ng SSS ParaƱaque-Tambo Branch na may mga paglabag sa hindi pagpapadala at hindi paggawa ng mga rekord.

Batay sa legal assessment, umabot sa P2.7 milyon kontribusyon ang delinquencies ng mga employer, na nakaapekto sa humigit-kumulang 102 empleyadong miyembro ng SSS.

Binigyan ng 15 araw ang mga employer para makipag-ugnayan sa nasabing sangay ng SSS hinggil sa pagsasaayos ng kanilang mga paglabag. Ipinaalam din sa kanila ang tungkol sa magagamit na flexible payment, kabilang ang contribution penalty condonation program.

Nasa larawan sina SSS National Capital Region (NCR) South Division Acting Vice President Cristine Grace Francisco (ikatlo mula sa kanan), SSS NCR South Legal Department Acting Head Atty. Victorina Pardo-Pajarillo (pangalawa mula sa kanan), SSS ParaƱaque-Tambo Acting Branch Head Fe Redencion Fernandez (ikaapat mula sa kanan) at iba pang empleyado ng SSS na naghahatid ng notice of violation sa isang business establishment.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

    0