What's In, Ka-Bulgar

Jan 19, 2020

Agua ni: C.L. Balagoza

What's IN, ka-Bulgar

Ang magliligtas sa kapahamakan
 

 
ng puso na unti-unting namamanas.
 

 
Ang magbabawas sa bigat ng bakal
 

 
na sa sarili’y itinarak.

Nasa palad na ang solusyon.

Marahan na inalis ang busal sa bibig
 

 
na pumigil sa pagbawas
 

 
ng inipong himala na kay mahal-mahal
 

 
at kabanal-banalang dinasalan na tubig.

Usal niya ang “sa ngalan ng langit at Diyos,
 

 
ako ay naniniwala at nananalig.”
 

 
Walang patid habang inihahalo
 

 
ang agua sa baldeng dati’y puti.

Bininyagan ang sarili na patuloy pa rin,
 

 
“sa ngalan ng langit at Diyos, ako ay naniniwala at nananalig.”
 

 
Nasaid ang agua sa ritwal, bilang panlinis kalawang.

Sa nangangarag na kaluluwang halang.
 

 
Bibili muli para sa pag-asang naaalis
 

 
ang lansang yumayakap sa kaluluwa, ngunit hindi.


Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

    0