Maestro Honorio Ong

Oct 2, 2019

Horoscope | Oktubre 02, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 2, 2019 (Miyerkules): Kahit ang mga suwerte ay nagdaratingan sa buhay mo, kailangan mo pa ring magsikap dahil mas mata­mis ang bunga ng pinag­si­kapan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng kakai­bang sigla na malinaw na senyales na gaganda na ang takbo ng kabuhayan mo. Kung ano ang naging plano, iyon ang ipatupad mo at huwag nang baguhin. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-22-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Iisa lang ang patutunguhan nito kung saan sa huli ay hawak-ha­wak mo na ang katupa­ran ng iyong mga panga­rap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-15-29-30-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka pa magsasawa sa pagsasaya da­hil makikita ang saya at ikaw ay iisa. Ang lung­kot ay malayo sa iyo kung saan kahit lumapit ito ay mananatiling masaya ang buhay mo. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-25-27-39-45.

CANCER (June 21-July 22) - Magpa­pa­­tuloy ang ma­gandang ka­pa­larang tinatamasa mo sa ngayon. Pero, may pagkaka­taon na pansamantala itong mababago. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-30-35-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo ang para sa iyo at huwag mong kunin ang hindi sa iyo. Sa ga­nito, ma­lalayo sa iyo ang mga prob­lema at maglalapitan ang magagandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-28-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa malulung­ku­tin dahil ang lungkot ay tulad ng sakit na nakahahawa. Lumayo ka rin sa paladaing dahil ang mga ito ay nakahaha­wa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-36-39-40-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng masaya at su­suwertehin ka. Magsuot ka ng malung­kot at lulungkot ka. Kung ano ang larawan mo, iyon ang magiging kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-5-16-20-25-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang pag­sisikap mo nang hindi masayang ang mga araw sa kasalukuyan at gu­maganda nang gumaganda ang takbo ng panahon sa pag­pa­paunlad ng kabuha­yan mo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-16-20-25-26-35-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang luma­gay sa posisyon na ikaw ay ma­hihirapan. Piliin mo ang posisyon kung saan ka madadalian. Walang tao na gustong mahira­pan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-26-30-32-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasa­la­mat ka sa nasa itaas da­hil binibigyan Niya ng ka­tuparan ang mga kahili­ngan mo na pagandahin ang buhay mo at ng ma­la­lapit sa iyo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-26-28-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngiti lang ang sikreto para magbago ang buhay mo at mawala ang hindi magandang pang­yayari na sumasaiyo. Kaya ngumiti ka na. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-19-24-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka mag­pasya, mag-isip ka nang mabuti. Hindi ka dapat matangay sa magaganda at matatamis na salita. Sapat na ang mga karana­san mo para hindi ka muli pang madaya. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-18-23-27-44.

0