BULGAR

Jun 1, 2022

2 todas, 1 nawawala sa gumuhong istraktura sa Bulacan

ni Lolet Abania | June 1, 2022

Dalawang bangkay ang narekober habang isa ang nawawala matapos na isang bahagi ng establisimyento ang gumuho sa Meycauayan, Bulacan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong Miyerkules.

Sa isang Facebook post, sinabi ng BFP Central Luzon na tinatayang nasa apat na katao ang naapektuhan sa insidente sa kahabaan ng Silver St., Moralla Industrial Park, Barangay Libtong, Meycauayan, Bulacan.

“Per recent status update, two were found dead upon retrieval, one has been found alive, and one still missing as operation continues,” pahayag ng BFP.

Patuloy naman ang BFP na nagsasagawa ng search, rescue, at retrieval operations sa pinangyarihang lugar. Inaalam na rin ng mga awtoridad ang dahilan at sanhi ng pagguho ng istraktura.

    0