BULGAR

Aug 4, 2020

2 labandera, tiklo sa P3.4-m shabu

ni Maeng Santos | August 4, 2020

Mahigit sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang labandera na bigtime umanong tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na sina Mary Jane Malabanan, 49, ng Bgy. 159 at Grace Palacio, 48, ng Bgy. 160, Sta Quiteria.

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P3,400,000 at buy-bust money.

Ani Caloocan Police Chief P/Col. Dario Menor, alas-11:20 ng gabi nang isagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nina P/Capt. Joel Guimpatan at P/Capt. Danilo Esguerra, Jr. ng Sub-Station 6, sa harap ng bahay ni Malabanan.

Agad na dinakma ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P70,000 marked money.

    0