BULGAR

Mar 16, 2021

1 araw lang nilagnat Cong. Defensor, nagpositibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | March 16, 2021

Inanunsiyo ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.

“I tested positive. It’s not severe,” ani Defensor sa isang online interview ngayong Martes. Ayon sa mambabatas, tinamaan siya ng virus noong March 3, dalawang linggo na ang nakalilipas, kung saan nakaramdam siya ng sakit ng halos isang araw lamang at agad ding nakarekober.

Sinabi rin ni Defensor na ang naging close contacts lamang niya ay kanyang pamilya na lahat ay nagnegatibo sa test sa COVID-19 habang nakikipag-ugnayan siya sa administrators ng kanilang subdivision at local government.

Nakatakda naman ang final COVID-19 test niya bukas, Miyerkules, habang kasalukuyan pa ring nasa isolation. "Patapos na, bukas final test..." ani Defensor.

Nang tanungin ang mambabatas kung siya ay asymptomatic, aniya, "I guess so. Everything's normal. Parang one day lang ako nagka-flu." Inaasahan naman ni Defensor na magnenegatibo na siya sa test sa COVID-19.

    0