top of page
Search
  • Melba Llanera

Magdyowa, winner na winner!... ARJO, BEST ACTOR; MAINE, COMEDY ACTRESS OF THE YEAR

Masaya si Arjo Atayde sa pagkilalang nakamit sa nakaraang Asian Academy of Creative Awards kung saan tinanghal siya bilang Best Actor in Leading Role para sa series na Bag Man.

Labis ang pasasalamat ng Kapamilya actor sa Dreamscape sa oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya para gampanan ang mapaghamong role sa Bagman.

Ayon nga kay Arjo, alam niya na nominado siya pero 'di niya inasahan ang pagkakapanalo dahil sa dami ng mga mahuhusay na nominado para sa napanalunang kategorya.

Hanggang ngayon ay 'di pa nga rin nagsi-sink-in sa Kapamilya actor ang pagkapanalo lalo't alam niya na mahigpit ang mga nakalaban niya sa naturang kategorya.

Nang kumustahin namin kung gaano ba ka-proud sa kanya ang kasintahang si Maine Mendoza dahil sa karangalang nakamit, ikinuwento sa amin ni Arjo na may balak nga silang magkaroon ng double celebration dahil nanalo naman si Maine ng Comedy Actress of the Year sa katatapos lang na 51st Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.

Proud at nagpapasalamat si Arjo sa mga taong tumutulong sa career nila ng girlfriend at sa mga magagandang oportunidad na naipagkaloob sa kanila.

Sa ngayon ay pinili muna rin ni Arjo na 'di muna gumawa ng anumang proyekto ngayong taon na ito at babalik na lang sa Enero, 2021.

Abala ang aktor sa ilang bagay sa labas ng showbiz at aminado siyang gusto niya na munang mag-isip at balansehin ang mga bagay-bagay dahil na rin sa mga nangyari at nangyayari sa ngayon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page