top of page
Search
  • Ding Taboy

Ibang klaseng Princess Eowyn, kahit iba ang sakay na hinete

Iba man ang hinete nito, hindi pa rin napigilan ng mga kalaban ang pamamayagpag ni Princess Eowyn sa Sampaguita Stakes Race sa MetroTurf Racing Complex, Malvar, Batangas noong Linggo.

Napanatili ng kabayong Princess Eowyn ang korona sa Sampaguita Stakes Race matapos itong gabayan ni star jockey JB Hernandez sa oras na 1:55.6 (quartertimes 14, 22, 23, 25 and 30 seconds) sa 1,800-meter na karera.

Magugunitang nag-kampeon ang Princess Eowyn sa Sampaguita Stakes noong nakaraang taon na si JB Guce ang hinete nito. Pumangatlo lamang si JB Guce at ang sinakyang si Obra Maestro ngayon, samantalang pumangalawa naman sina jockey Kevin Abobo at Shanghai Grey.

“Medyo hindi maganda ang alis ng kabayo ko, kaya ang ginawa ko, sabi ko sa kabila naman, sigurado lalakas naman ang ere namin. So mi-nentain ko lang ang puwesto ko. Sa rekta ko nakuha, noong umigkas pa, sabi ko panalo na ito,” ani Hernandez, na noong nakaraang linggo ay ipinananalo ang Work Bell sa Juvenile Filles and Colts Stakes Race.

Tumanggap ang may-ari ng Princess Eowyn na si Edward Vincent Diokno ng P1.2 million premyo, samantalang sinungkit naman ni Melanie Habla ang P450,000 kaakibat ng ikalawang puwesto ng Shanghai Grey. Patuloy ang racing calendar sa mga susunod na Linggo, tulad ng 2nd and 3rd legs ng Triple Crown/Hopeful/3YO Locally Bred Stakes Races, ang Amb. Eduardo Cojuangco Jr. Memorial Cup, ang 3YO Imported/Local Challenge at ang Juvenile Championship/Lakambini Stakes Race.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page