top of page
Search
  • Gerard Peter Ace

Boxing, Karate at Taekwondo, unang ipapasok sa Bubble Camp

Tatlong sports ang tinatarget na ilagay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna upang maging ‘bubble training facility’ bilang pag-iingat sa mga national athletes at coaches sa mapanganib na novel coronavirus disease (Covid-19), gayundin ang maipagpatuloy ang paghahanda at pagsasanay sa nalalapit na Olympic Qualifying Tournaments sa susunod na taon.

Inihayag ni PSC Commissioner Ramon Fernandez na nakikipag-ugnayan na ang ahensya ng pampalakasan sa pamunuan at may-ari ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna upang idaos doon ang pagsasagawa ng bubble training ng tatlong sports na kinabibilangan ng Boxing, Karate at Taekwondo.

“We’ve just had a meeting with the owners of the Inspire Sports Academy in Laguna, specifically with Mr. Hans Sy and the guy who’s in charge with it, and open naman sila,” pahayag ni Fernandez sa PSC program na People Sports Conversation sa Facebook page nito. “So, we are in our initial talks and it can definitely use, but meron lamang mga scheduling na kailangan i-fine tune. So, hopefully, we can use Inspire for Boxing, taekwondo and Karate athletes. So, tatlong sports muna ang ilalagay naming sa Inspire,” dagdag ng dating PBA four-time Most Valuable Players at kabilang sa 50 Greatest Players of All-Time.

Ang nasabing sports facility ay ang kauna-unahang World-class learning at sporting institution sa bansa na kayang ibigay ang mga pangangailangan ng bawat atleta. Napapaloob rito ang maraming training equipment’s, learning at sports development settings, isang dormitel na may 32-dorm type, 20 hotel type at 4 na executive rooms, para sa kabuuang kapasidad nitong 60 rooms na may 176 beds.

Nauna nang plano ng PSC na ilagay sa Philsports Complex sa Pasig City ang mga national athletes na nasa bansa, ngunit dahil delikado pa rin ang sitwasyon sa naturang lugar, kung saan ginagamit na COVID-19 facility ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang basketball court ng ULTRA, napagdesisyunan ng ahensya na maghanap na lang ng ibang lugar na pagdarausan ng bubble training camp.

Inamin ng 67-anyos na Maasin City, Leyte-native na tinatantya nilang makapagsimulang muli ng pagsasanay sa kalagitnaan ng Nobyembre (mid-November) o anumang araw sa Disyembre ang mga atletang lalahok sa bubble camp sa Inspire Academy na extension campus ng Nu Bulldogs.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page