top of page
Search
  • Beth Gelena

Bonding time!... WILLIE, IPINAPASYAL ANG MGA ANAK AT APO SAKAY NG CHOPPER

Kapag may time ang TV host ng Tutok To Win sa Wowowin, nagba-bonding sila ng kanyang mga anak at apo.

Tulad kamakailan, sa Instagram post ng kanyang anak na si Meryll Soriano, ishinare ng aktres ang picture kung saan sila ay nakasakay sa chopper na pag-aari ng kanyang ama.

Kasama ni Meryll ang kapatid na si Juamee (anak ni Willie kay Liz Almoro) at ang anak nila ni Bernard Palanca na si Elijah.

Enjoy na enjoy si Kuya Wil sa bonding moments sa piling ng dalawang anak at apo.

Caption ni Meryll, "So proud of you, Capt. Wil."

Sobrang naaliw si Kuya Wil habang nag-iikot o namamasyal silang pamilya sa himpapawid.

O, 'di ba? Ibang klase kung mamasyal ang mag-aama. Mukhang nagsawa na si Kuya Wil sa kanyang mga luxury cars kaya chopper na ang paborito niyang sakyan ngayon.

At kung may Capt. Ri ang Crash Landing On You, may Capt. Wil naman si Meryll.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page