Pagkaudlot ng laro sa UAAP volleyball, heartbreaking

June 23, 2020

Aminado si Ateneo star Kat Tolentino na sobrang nalungkot siya sa pagkakaudlot ng pagbabalik laro sa UAAP dulot ng pagpapahaba ng Enhanced Community Quarantine, (ECQ) sa Metro Manila.  

Sa kanyang interview sa Tiebreaker Vods hindi naitago ni Tolentino ang pagkadurog ng kanyang puso dahil sa pag-antala ng laro sa UAAP. “It was frustrating and super heartbreaking at most,” hayag ni Tolentino.

Malaki ang plano ni Tolentino at bago magsimula ang UAAP season 82 women’s volleyball tournament ay umugong ang balitang gagamitin nito ang kanyang huling playing year. 

Sumalang ng dalawang laro si Tolentino sa Ateneo bago hininto ang mga laban dahil talamak na ang pamiminsala ng coronavirus. “Well, it wasn’t even actually in half, it was like two games that we played so it was definitely a heart-breaker just because I was so excited to be coming back,” ani 6-foot-2 spiker Tolentino.

Naiintindihan naman ni Tolentino ang sitwasyon dahil alam niya na para rin sa kanilang kaligtasan ang pagpapaliban ng pagbabalik laro sa UAAP volleyball tournament. “But I kind of even prepared myself once I heard all the stuff about COVID-19 and saw all the news. I kind of have that feeling at the back of my mind so it was okay, I mean safety first,” wika ni Tolentino.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.