Mautak na sa pagpirma ng kontrata ang NBA players

June 23, 2020

Apektado ang lahat ng sporting events dahil sa pamiminsala ng coronavirus.

Malaking perwisyo ang COVID-19 lalo na sa NBA dahil  malaki na ang nalulugi sa kanila
kasama ang salary cap.

Nagiging mautak ang players lalo na sa pagpirma ng kontrata kaya tiyak na mag-iisip sila ng
mabuti bago gumawa ng desisyon.

Kagaya ni basketball star Anthony Davis na pipirma lamang ng one-year contract sa Los Angeles
Lakers.

Isang agent ang nagsabi kay NBA analytics pioneer at front office insider John Hollinger na may
sense ang gagawin ng mga players na mag-sign ng short-term deal ito'y dahil sa krisis na dulot
ng COVID-19.

"It's just too much unknown" saad ng agent kay Hollinger. "It probably makes sense for
everybody to sign a one-year deal. Even the big free agents—like Anthony Davis—sign a one-
year deal [this summer] and see what the numbers are for '21 and sign a contract based off the
projections for that."


Target ng nasabing liga na ikasa ang 2019-20  NBA season sa katapusan ng July at kahit sa Walt
Disney World sa Orlando Florida ipagpapatuloy ang laban ay malaki pa rin ang malulugi dahil
ilan lamang ang puwedeng makapunta na fans para manood ng laban.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.