Italya, Spain at Australia, champ din sa FIBA Esports

June 23, 2020

Nag-iwan ng walang duda ang Team Pilipinas kung sino ang hari ng NBA2K ng Timog Silangang Asya sa matagumpay na huling araw ng pinakaunang edisyon ng FIBA Esports Open noong Linggo ng gabi.  Dinurog muli ng mga pambatong Pinoy ang Indonesia, 71-35, upang walisin ang kanilang serye ng limang laro.

Kahit sigurado na ang kampeonato noon pang Sabado, hindi nagpreno ang Pilipinas at inilabas pa rin ang kanilang mabangis na laro.  Lamang ang Indonesia sa second quarter, 14-12, subalit binuhos ng mga Pinoy ang huling 10 puntos upang lumamang sa halftime at hindi na nila binitiwan ito, 22-14.

Pinili pa rin ni Coach Nite Alparas na gamitin ang kombinasyon nina Rial Polog Jr., Philippe Herrero IV, Aljon Cruzin, Clark Banzon at Custer Galas.  Ang mga reserba ay sina Rocky Brana at David John Timajo habang si Richard Brojan ang team manager.

Ang kanilang mainit na tira sa tres at depensa ay hindi nabigyan ng solusyon ng Indonesia.  Sa huli, nagwagi ang Pilipinas na may average na lamang na 32.8 puntos bawat laro.

“It’s not often you get to represent your country in a field that you’re passionate about,” wika ni Brojan.  “The road was not easy but we always had hope, this victory is for our country!” Sa Europa,  itinanghal na kampeon ang Italya na nagtapos sa mailinis na 8-0 panalo-talo.  

Ang Pilipinas at Italya lamang ang natatanging dalawang bansa na tinapos ang torneo na perpekto. Mahalaga ang tagumpay ng mga Italyano kontra Espana, 74-62, kung saan nagtapat ang dalawang koponan na walang talo.  Sinigurado ng mga Italyano ang kampeonato matapos pabagsakin ang Cyprus sa huling laro ng torneo, 103-47.

Pumangalawa ang mga Kastila (7-1) at sinundan sila ng Russia (6-2), Austria (5-3), Lithuania (4-4), Latvia (3-5), Switzerland (2-6), Cyprus (1-7) at Ukraine (0-8).  Ang lahat ng mga kampeon gaya ng Pilipinas at Italya ay gagantimpalaan ng pinakabagong edisyon ng NBA2K oras na ilabas ito sa merkado.


Sa ibang serye, nasungkit ng Australia ang kampeonato ng Oceania matapos talunin ang New Zealand, 4-1. Pormal na rin sinara ang ibang mga serye kung saan kampeon ang Argentina kontra Brazil sa Timog Amerika, 4-1 at Saudi Arabia na nanaig sa Lebanon sa Gitnang Silangan, 4-1.

Dahil sa tagumpay ng palaro, inihahanda na ng FIBA ang kasunod.  Inaasahan na mas marami sa orihinal na 17 bansa ang lalahok. “Samahang Basketbol ng Pilipinas is very proud of you all,” ayon sa inilabas na pahayag ni Al Panlilio, ang Presidente ng SBP.  “Keep on playing and improving for future FIBA Esports tournaments and remain humble but hungry.”  

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.