Blaydes wagi VS. Russian sa UFC heavyweight fight

June 23, 2020

ng wrestling ang ipinakita ng American number 3 contender
laban sa Russian fighter na makailang-ulit nitong na-take downDinomina ni UFC heavyweight contender Curtis Blaydes si Russian fighter Alexander
Volkov sa pamamagitan ng kanyang mga wrestling skills, (Linggo ng umaga sa Pilipinas), para
makuha ang kanyang ika-apat na sunod na panalo sa UFC fight sa ESPN na ginanap sa APEX
facility sa Las Vegas, Nevada.

Pambihirang kakayanan sa larangan maging sa unang 10 segundo pa
lamang ng unang round at sa tatlo’t kalahating rounds ng 5-round battle. Nakamit ni Blaydes ang
unanimous victory sa mga hurado na nagbigay ng 49-46, 48-47 at 48-46 para maingat ang
kartada nito sa 14-2.

Sinubukan pang makabawi ni Volkov nang magpamalas ng sariling ground game at striking
skills sa 5 th  round, ngunit mas nangibabaw ang lakas ni Blaydes sa grounds.

“It's always a good experience to know you can go 25 minutes, and there's things you need to
work on, but you learn them in a win,”
saad ni Blaydes matapos ang laban. “I need to work on
my conditioning after the third round, but I'm happy with the win. Volkov is legit and I'm one
step closer to a title shot.”


Dahil sa panalong ito ay naging malaki ang tsansa ni Blaydes. Gayundin, si Francis Ngannou na
maglaban para sa numero unong lalaban para sa UFC hevayweight title ni Stipe Miocic na
nagawang tapusin ang trilogy nito kay Daniel Cormier sa UFC 252 noong Agosto 15, 2019.
 
Naipit naman sa Estados Unidos ang 6-foot-7 na Ruso dahil sa mga paghihigpit ng kanilang
bansa dahil sa coronavirus pandemic, na matagal ring nabakante sa laban buhat ng panalo nito
kay Greg Hardy sa Moscoq noong isang taon.

Wagi naman ng unanimous decision si featherweight Josh Emmet kay Shane Burgos sa co-main
event para tanghaling isa sa magagandang laban sa fan-free bout. 

Nakuha naman ni dating bantamweight contender Raquel Pennigton (11-8) ang isang decision
laban kay Marion Reneau para makuha ang ikalawang panalo sapol noong 2016.


Tinapos naman ng beteranong si Jim Miller si Roosevelt Roberts sa pamamagitan ng armbar sa
2:25 ng first round ng catchweight.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.