Bakit mas magandang gabay ang aklat sa paghubog sa ugali ng bata?

June 23, 2020

May mga bata na mas nakakatulog nang  maayos at  nagkakaroon ng magandang panaginip kapag nababasahan sila ng mga aklat. Kahit na puro larawan lang ang laman ng aklat, may mga magulang na napakahusay gumawa ng sariling kuwento na kunwari ay mula sa aklat ay ikinatutuwa naman ng bata.

May isang magkaklase, may dalang krayola si Elia nang dumating sa iskul habang si Ana naman ay nakipagpalit sa kanya ng marker. Pumayag si Elia pero nadiskubre niyang tuyo na ang marker.

Nagreklamo si Elia sa kanyang guro at sabi'y madaya si Ana at saka ito napaiyak. "Gusto kong ibalik niya sa akin ang krayola ko" 

Sa ganitong punto, kailangan ng guro na pag-ayusin ang dalawa bagama’t nagkasundo nang magpalitan ng mga gamit.

Kumuha ng aklat ang guro na may pamagat na A Bargain for Frances ni Russell Hoban.

Bagama’t ang istorya ay tungkol sa basag na mga baso, ang mensahe ng patas na pagkakasundo ay hindi nawala sa mga bata. May hatid na instrumento ang aklat sa paghahayag ng lalim, halaga at aral sa buhay.

Ang abilidad na rumesponde, magbahagi at lumikha sa istorya ay isa sa mainam na karakter ng isang tao. Ang utak kasi ng tao ay nakaprograma upang makasagap ng anumang pattern sa bawat daloy ng istorya at maaalala ito nang bata sa pangmatagalan. Nagreresulta sa magandang hubog ng kanyang pagkatao, ayon na rin sa magandang kuwento, parehong sa tunay at imahinasyon lang.

Ang mga aklat na pawang may visual art at literatura na umaakit sa imahinasyon ng bata ay perpektong teaching tools sapagkat naglalaman ito ng malakas na emosyon na madarama ng bata. Sa buong kuwento niya, maipapalagay ang loob para mas madali siyang maka-move on, anuman ang dumarating na problema at nagagawan niya ng paraan.

Dagdag pa rito, ang mga picture books ay may positibong pananaw at nag-iiwan ng pinakamahusay na impresyon at hindi makakalimutan ng mga bata sa kanilang memorya.

Ang larawan sa aklat ay mas importante kaysa sa tuluy-tuloy na aksiyon sa telebisyon dahil mas malakas ang memorya niya sa pahina ng aklat at natatandaan niya ang mga aral dito hanggang sa kanyang pagtanda.

Kapag tayo ay naglalahad ng kuwento hinggil sa isang pamilya, historical events, ang mga kasaysayan at istoryang ‘yan ay paraan upang matugunan ang mga memorableng sandali sa buhay at hindi malilimutang mga aral.

Kapag mahusay ang magulang o guro sa pagpapatingkad ng kapangyarihan ng literatura at gagamitin ito sa tunay na buhay, iibayo ang positibong ugali ng mga paslit sa pagbabasa nang madalas, basta makapili lang ng angkop na aklat at mapasaya pareho ang bata at magulang o guro.

Ang kainaman ng pagkahilig ng bata sa pagbabasa kapag nakakasabay magbasa ang bata at magulang pinapatatag nito ang tulay sa pang-unawa at kahalagahan ng pamilya. At habang nalilibang ang bata sa pagbabasa, magiging mahalagang gabay niya ito para maging tuluy-tuloy na makaugalian na niya ang pagbabasa at dito siya nakakapulot ng aral.

Maingat na rebyuhin ang aklat. Alamin ang interes, edad at atensiyon ng bata. Alamin ang kanyang nais na basahin. Kausapin ang guro at obserbahan kung anong aklat ang ibinabahagi ng ibang magulang sa kanilang anak. Pumili ng aklat na pampamilya kung saan ang pangunahing karakter ay pareho ring edad ng bata.

Ito ang makatutulong upang maunawaan sa kanyang pagsasalita na kailangan niya at umangkop sa kanya ang emosyon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.