Saudi sa ‘Pinas: Bangkay ng 282 OFWs, iuwi na

June 22, 2020

Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Malacañang sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng 282 overseas Filipino workers (OFWs) na namatay sa Kingdom of Saudi Arabia.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binigyan na ng direktiba ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na ipaabot ang tulong sa mga naulilang pamilya ng mga OFWs.

 

Una nang iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na susunugin sa Saudi Arabia ang bangkay ng 50 OFWs na nasawi dahil sa COVID-19 habang ang ibang namatay na OFWs ay ibabalik naman sa Pilipinas.

 

"We offer our prayers to the deceased and to those they left behind," wika ni Roque.

 

Samantala, kabilang sa mga nasawi ay dahil sa ibang karamdaman, na naipon sa Saudi dahil sa Ramadan at lockdown.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.