Programa para sa pro athletes at sports sector, iginiit ng GAB

June 22, 2020

 

Handa ang Games and Amusement Board na makipagtulungan sa Dept. of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakasentro sa programa para labanan ang COVID-19 upang maiahon sa krisis ang mga Pinoy pro athletes at iba pang lisensiyadong individual sa pro sports.

Ayon kay GAB Chairman Abraham "Baham" Mitra, umapela ang ahensiya, upang maibalik unti-unti ang kabuhayan ng sektor ng pro sports na tinamaan ng ipinatupad na quarantine.

Batay sa datos ng GAB, kamakailan ang 59 na pahinang dokumento sa IATF na naglalaman ng mga suhestiyon para maibalik ang pro sports alinsunod sa medical at safety protocols na ginawang GAB medical section, boxing at iba pang combat sports division, professional, basketball at iba pang pro games division, horse betting division, football, PBA, boxing promoters at managers.

Malugod namang tinanggap ng IATF ang naturang dokumento at binigyan ng pagkakataon si Mitra na personal itong ipaliwanag sa online video teleconferencing.

Ginamit ng GAB ang apat na "virtual simulators" upang maipakita ang posibleng kaganapan samuling pagbabalik ng PBA workouts at football games alinsunod sa proposed health and safety procedures.

Sa inisyal na rekomendasyon ng DOH sa IATF, hiniling nito na limitahan ang pagsasagawa ngcontact sports tournaments, games at match habang wala pang epektibong medisina labansa COVID-19.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.