Pasok sa new normal wedding... RITZ, IKAKASAL NA!

June 22, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speaking

  

 

Engaged na si Ritz Azul sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Allan Guy. Ito ang inanunsiyo ng aktres sa kanyang Instagram account last Saturday.

 

“This Guy’s in love with me, pare. I love you too, Allan Guy,” ang caption ni Ritz sa mga larawan nila ng boyfriend na kanyang ipinost. Sa dulo ay nilagyan niya ng “#engaged” at “#myfiance”.

 

Sa larawan ay makikita ring may suot na singsing si Ritz na obviously ay engagement ring.

Dumagsa naman ang congratulatory messages ng mga netizens at mga kapwa-artista kay Ritz kabilang na sina Julia Montes, Edgar Allan Guzman, Meg Imperial, Miles Ocampo, Jake Cuenca, JC de Vera, Shaira Diaz, at maging ang na-link sa kanyang si Joseph Marco. Bumati rin si Roselle Monteverde of Regal Films.

 

Of course, ang next na aabangan ng lahat ay kung kelan ang kasal na posibleng mapabilang na sa tinatawag na “new normal” wedding.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.