Pagbibitiw ng 2 sa National team ng taekwondo, hindi tinanggap

June 22, 2020

 

Kamakailan ay naghain ng ‘courtesy resignation’ ang 2 taekwondo jins, kabilang ang head
coach  sa Philippine National team dulot ng paglabag sa rules and regulations ng Philippine
Taekwondo Association (PTA).

Inamin ni national team Head coach Dindo Simpao na ginawa nila ang hakbang na ito kasama
sina 3-time Southeast Asian Games champion at two-time Asian Games bronze medalist Samuel
Morrison at 2019 biennial meet silver medal winner Arven Alcantara bilang tugon sa nagawang
pagsuway sa polisiya ng asosasyon.

Hindi man literal na kabilang sa mga nakagawa ng kasalanan, nagpasa pa rin ng kanyang liham
ng resignasyon si Simpao dahil sa pananagutan niya umano sa nagawang pagkakamali ng
dalawang atleta.

“They’ve already submitted a courtesy resignation for the failure of following strict policy of our
association, and I, as their training director, is responsible for any moves and traits they’ve
shown for disobeying a written command,”
pahayag ni Simpao sa panayam ng BULGAR sa
online interview.

Nagsumite ang tatlo ng  pagbibitiw sa posisyon noong Lunes, Hunyo 15, bilang pagpapakumbaba sa nagawang pagsuway; gayunman, hindi ito tinanggap ng pamunuan ng PTA, kung kaya’t agad na napagdesisyunan nito noong Huwebes, na huwag na lamang ulitin ang pangyayari at magsilbing paalala sa lahat ang rules and regulation ng PTA at national team. 

“Hindi nila [Morrison at Alcantara] alam na sakop ng rules and regulation ng PTA ang gagawin
nilang guesting, because as far as we all know, even Donnie knows it, na we should first ask the
permission of our association regarding the guesting, interviews, sponsorships, anything that
will interfere their training schedules and practices,
” ika ni 2002 Busan Asian Games
competitor.

“Hindi natin pwedeng hugutin na lang ang mga athletes for any purposes, may
pinaghahandaang mga competition ang mga iyan and also, we are protecting their image,
mainly because they are the face of the team and the Association,”
dagdag ni Simpao.

Nag-ugat umano ang lahat nang maimbitahan sina Morrison at Alcantara sa isang online
Taekwondo Zoom lessons ni dating 2000 Sydney at 2004 Athens Olympics campaigner Donald
Geisler para sa June 6 na guesting. Ngunit ayon kay Simpao, hindi umano pinayagan ang
dalawang taekwondo jins ng PTA dahil hindi nagpaalam  sa pamunuan, kung saan may
sinusunod na patakaran ang asosasyon hinggil sa pagdalo ng atleta sa mga ibang bagay na may
kinalaman sa kanilang tungkulin bilang national team member.

Dahil dito ay naglahad ng saloobin si Geisler sa kanyang social media account ng isang Open
Letter,  ibinulalas ang pagkadismaya sa pagsaway sa dalawang atleta na kanyang inimbita para
magturo at magpamalas ng ilang techniques sa mga estudyante nito. Dito rin sinabi niyang hindi
rin pinayagan si 30th SEAG featherweight champion Pauline. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.