Nade-depress dahil sa COVID-19, dumami... Mental health desks sa bawat barangay

June 22, 2020

Sa gitna ng pagtukoy sa lumalalang mental health situation sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic, isinusulong ni Lone San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes ang pagpapatupad ng mental health desks sa mga barangay sa ilalim ng Republic Act 11036 o ng Mental Health Act.

 

Kasabay nito, umapela ang mambabatas sa publiko na maglaan ng panahon at donasyon sa mga cause-oriented groups na may kaugnayan sa mental health issues gaya ng National Suicide Prevention Lifeline '1-800-273-TALK (8255)’.

 

Kinakailangan din umano ng mga local government units na maglagay ng mental help desks sa bawat barangay para matumbok ang mga dumaranas ng anxiety o depresyon dulot ng pandemic. Una nang itinaas ng World Health Organization (WHO) ang alarma ukol sa pinangangambahang mental health dahil sa patuloy na pagdami ng mga taong dumaranas ng depresyon dulot ng epekto ng COVID-19 gaya ng social isolation, fear of contagion, kawalan ng hanapbuhay at kinikitang panggastos.

 

Inianunsiyo ng WHO na mayroong pagtaas ng sintomas ng depresyon at anxiety lalo na sa mga grupo ng populasyon gaya ng mga frontline healthcare workers, matatanda, kabataan at adolescents.

 

Nagbabala rin ang mga eksperto na ang epekto ng mental health ay tumatagal na nararanasan kumpara sa epekto ng COVID-19.

 

Ani Robes, ang palagiang pakikipag-usap sa pamilya at kaibigan ay mahalaga para malabanan ito.

 

Ang paglulunsad ng mental health desks ay isa ring paraan na mabigyan ng trabaho ang mga miyembro ng komunidad.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.