Mga pasaway sa quarantine protocols, ‘di dapat palagpasin

June 22, 2020

Pinakakasuhan na ang firewoman mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6 na sinasabing lumabag sa qauarantine protocols.

 

Isang resolusyon ang inihain na kumukondena sa ginawa ng naturang firewoman na umano’y dumalo sa despedida party sa Isla ng Boracay noong Hunyo 12 hanggang 14 sa kabila ng pagiging positibo sa COVID-19.

 

Hindi umano tinapos ng firewoman ang kanyang dalawang linggong quarantine at bumiyahe papuntang Boracay at habang hindi pa natatapos ang bakasyon ay lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay infected ng nakamamatay na sakit.

 

Kaugnay nito, 28 iba pang tauhan ng BFP na dumalo sa nasabing party ang patuloy na iniimbestigahan.

 

Nakakalungkot nga naman na sa kabila ng pagsisikap ng mga residente at pinuno ng lugar na maging ligtas mula sa COVID-19 ay malalagay pa rin sila sa alanganin.

 

Tayo ay nasa hindi pangkaraniwang sitwasyon kaya kailangan ang mas matinding disiplina at pag-iingat. Maging responsable tayo sa ating mga kilos, hindi lang para sa sarili o sa ating pamilya kundi alang-alang sa lahat ng tao na nasa ating paligid.

 

Ngayon, kung mapatunayang tayo ay may nilabag na batas, anuman ang ating katayuan sa lipunan, kailangan nating managot para matuto at para hindi pamarisan ng iba.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.