Mag-asawang NPA, nagutom sa bundok, sumuko

June 22, 2020

MISAMIS ORIENTAL — Dahil sa nararanasang gutom sa bundok, nagpasya ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Claveria.

 

Ang mag-asawang sumukong NPA ay kinilala lang ng mga awtoridad sa mga alyas na Ka Dino at Ka Dina, kapwa kasapi ng NPA-North Central Mindanao Regional Committee.

 

Napag-alaman na isinuko rin ng mag-asawang NPA ang mga dala nilang armas, bala at subersibong dokumento sa 58th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).

 

Ayon sa mga sumukong NPA, nakakaranas na umano sila ng gutom sa bundok at nais na rin nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.

 

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mag-asawang rebelde.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.