Maaari bang mag-speech tungkol sa pangangalaga ng mga mata kahit hindi licensed optometrist?

June 22, 2020

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

  

 

Dear Chief Acosta,

 

Ako ay may balak na magbigay ng talumpati tungkol sa tamang pangangalaga ng ating mga mata dahil ako ay nakapagtapos ng kursong Doctor of Optometry, ngunit hindi pa ako lisensiyadong optometrist. Maaari ko ba itong gawin?

 

– Leslie

 

Dear Leslie,

 

Para sa inyong kaalaman, isinasaad sa Section 4(d) ng Republic Act No. 8050 o mas kilala bilang “Revised Optometry Law of 1995” na:

 

“SEC. 4. Acts Constituting the Practice of Optometry. – Any of the following acts constitute the practice of optometry:

xxx

(d) The counseling of patients with regard to vision and eye care and hygiene; xxx”

 

Sa inyong sitwasyon, kung kayo ay hindi lisensiyadong optometrist, hindi kayo maaaring magbigay ng talumpati tungkol sa tamang pangangalaga ng mga mata dahil ito ay kinokonsidera na practice of optometry na para lamang sa mga lisensiyadong optometrist.

 

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.