Las Vegas buntalan nina Ancajas at Rodriguez

June 22, 2020

 

Handa na sa buntalan si International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion
Jerwin Ancajas.

Napipisil na ikasa ang title defense ni Ancajas sa Agosto laban kay Mexican boxer Jonathan
Javier Rodriguez na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Aarangkada na sa Amerika si Ancajas upang doon ipagpatuloy ang training.

Planong makaalis ang Team Ancajas sa ikalawang linggo ng Hulyo.

Ayon kay trainer/manager na si Joven Jimenez na pinaplantsa na lamang ang ilang bagay sa 
flight schedule at mga requirements bago tumulak papuntang Amerika.

Kahit quarantine period dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi tumigil si Ancajas sa ensayo sa
Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

Abril pa dapat ang iskedyul ng laban ni Ancajas pero nakansela ito dahil sa coronavirus.

Malaki ang tsana ni Ancajas na madedepensahan ang hawak na titulo dahil walang tigil ito sa
kanyang training at maganda ang ikinikilos nito ayon sa kanyang trainer.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.