Kinalaban daw si P-Digong kaya ayaw bigyan ng prangkisa... DARYL, TINAWAG NA 'UGOK' ANG MGA BOSSING NG ABS-CBN

June 22, 2020

Julie Bonifacio / Winner

  

 

Isang Kennith Quinto ang nag-post ng ilang nalalaman niya o nakuha niyang information from his source kung ano ang nangyari sa pag-uusap nina Daryl Ong at Bugoy Drilon tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN habang naghihintay ng flight para sa isang provincial show.

 

May missing pieces daw sa kuwento ni Daryl sa kanyang vlog na mahigit 500K na yata ang views.

 

Hindi lang daw basta pagbibigay ng opinyon ang ginawa ni Daryl dahil may mga foul words siyang binitawan laban sa ABS-CBN.

 

Ang statement daw niya na narinig nu'ng taong nagsumbong sa ABS-CBN boss ay something like, “Mga ugok sila! Presidente ba naman ang kinalaban nila. Wala na silang magagawa d’yan (sa franchise)!”

 

Hindi rin daw ni-record 'yun nu'ng nakarinig ng usapan nina Bugoy at Daryl.

 

"Upon hearing them, sinabi na agad nito sa ABS-CBN boss via messaging app ang mga napag-usapan ng dalawa," post ni Kennith.

 

Ang “recording” daw na sinasabi ni Daryl ay non-existent. Habang si Bugoy naman daw ay nag-sorry agad sa mga ABS-CBN executives, kaya okey na si Bugoy sa mga bossing ng network.

 

"Nagtatampo lang ang ABS-CBN kay Daryl. Hindi s’ya totally banned sa network at never, maging si Bugoy. Kung ikaw ay may nagawang mali o masakit na bagay sa employer mo, malamang na magdaramdam 'yun at hihingin ang paliwanag mo. Pero hindi raw nag-reach out personally si Daryl," ayon kay Kennith.

 

Nagulat na lang daw ang mga tao sa ABS-CBN nu'ng i-upload ni Daryl ‘yung vlog n’ya nang wala s’yang kinonsulta.

 

Pero hindi raw papatulan ng ABS-CBN si Daryl. Napaka-petty daw kasi ng issue na ginawa n’ya lalo pa't abala sila sa franchise application sa Congress at sa iba pang mga mas importanteng bagay.

 

Positibo naman si Kennith na maaayos din ang problem ni Daryl dahil napag-alaman niya na tita ng singer ang business unit head ng isa sa mga content provider division ng ABS-CBN.

 

Well, harinawang maging maayos pa ang lahat for Daryl and ABS-CBN.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.