Katotohanan sa pagdiskarte ng tao para mabuhay kahit walang trabaho

Sr. Socrates Magnus II

  

 

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

 

Nakita ng mga namumuno sa maraming bansa na kailangang gumalaw ang ekonomiya kahit may COVID-19 pandemic. Ito ay dahil hindi puwedeng ang tao ay magpatuloy na mabuhay sa takot at hindi na makakilos.

 

Ang paggalaw ng ekonomiya ay magsisimula sa paggalaw ng tao, kumbaga, tao ang kikilos para mabuhay ang ekonomiya. Ito rin ay nagsasabing kailangang maghanapbuhay ng tao. Sa paghahanapbuhay, iikot ang pera at ang takbo ng negosyo ay unti-unting gaganda.

 

Ang totoo, hindi naman talaga maaawat ang tao na maghanap ng ikabubuhay dahil siya ay may isip, sikmura, may mga kamay at paa. Kumbaga, kapag ang tao ay nag-isip kung paano siya mabubuhay, para sa kanya, walang bawal-bawal.

 

Ito ang sinasabing if there’s a will, there’s a way. Ito ay susi ng tagumpay na kung palaging isasabuhay ay tiyak na uunlad ang buhay. Dito nagsimula na kahit naka-lockdown, ang mga tao ay kumikita ng pera sa pamamagitan ng online selling. Ang totoo nga, nakatutuwang matuklasan na ang marami sa kumita online ay magpapatuloy kahit bigyang ng kalayaan ang mga tao. Hindi naman ito mahirap gawin. Simpleng-simple lang at puwede ka pang magsimulang yumaman.

 

Gamit ang social media, ipapaalam mo sa mga kakilala mo na ikaw ay may itinitinda, pero dapat ang ititinda mo ay kailangan ng maraming tao. Mas maganda kung ang mga paninda mo ay mga bagay na kinukonsumo o ginagamit.

 

Sa salitang “ginagamit”, ibig sabihin, madaling maubos dahil palaging ginagamit, kaya iwasan munang magtinda ng mga bagay na hindi agarang ginagamit dahil ito ay hindi magiging mabenta.

 

Kaya mas magandang ibenta mga ginagamit araw-araw dahil ito ay mabilis maubos at kung ikaw ay nagtinda nito, alam mo na ikaw ay kikita.

 

Madali lang din malaman kung hindi magiging mabili ang iyong paninda dahil kung ang produkto mo ay hindi madalas gamitin ng tao, eh ‘di, hindi rin ito agad na mabibili.

Kaya sa mga susubok ng online sari-sari store, ang unang patakaran sa pagtitinda ay ang kung ano ang mabenta, ‘yun ang itinda at kung ano ang hindi mabenta ay huwag nang itinda. Paano malalaman kung ano ang produktong mabenta?

 

Itutuloy

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.