Hindi buntis... NABULGAR: ANGEL, BIGLANG TUMABA DAHIL SA INIINOM NA GAMOT!

June 22, 2020

Mercy Lejarde / Showbiz Talkies

  

 

Marami sa madlang pipol ang nagtataka kung bakit biglang lumobo ang dating seksing wankatitat ni Angel Locsin.

 

Naghaka-haka pa ang ilan sa kanila na baka raw buntis na ito or baka nagpalaglag.

 

Yes, meron, ha, as in haka-haka lang, ganernnn! Just curious lang sila, but not yellow daw, in pernes. At hindi naman daw sila magtataka if true ang kanilang haka-haka 'coz babae si Angel na may dugo, may laman at may matris, tapos may boyfriend pa na si Neil Arce.

 

Dahil sa mga haka-hakang itey ng ilang madlang pipol ay tinanong ni yours truly ang isang may konek kahit paano kay Angel kung true ba na buntis or nagpalaglag nga ang dating Darna?

 

And the following ay ang kanyang naging kasagutan thru Facebook Messenger...

 

“Sus! Hindi buntis or nagpalaglag si Angel. Under medication kasi siya for her scoliosis. May diperensiya 'yung spinal cord niya kaya 'di siya puwedeng mag-workout. Ewan ko naman kung bakit ginagawa pang issue 'yung pagtaba niya.

 

“Kaya nga nag-beg-off siya sa Darna kasi 'di na siya puwedeng magpa-tumbling-tumbling. Lakas nga ng loob niya noon sa General's Daughter, eh. Ayaw niyang magpa-double kahit may sakit siya sa spinal niya.”

 

So there, madlang curious pipol! Sing na lang kayo ng awiting may lyrics that goes… "Arousing my curiosity.”

 

'Yun, oh! Insert smiley, !

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.