Driver at angkas, mag-PPE — DOTr

June 22, 2020

Iginigiit ni Department of Transportation (DOTr) consultant Alberto Suansing na pagsuotin ng protective gear tulad ng Personal Protective Equipment (PPE) ang mga magkaangkas sa motorsiklo.


Pahayag ito ni Suansing sa gitna ng patuloy na apela na pahintulutan na ang pagbabalik-operasyon ng mga motorcycle taxi.


Diin ni Suansing, mahalagang matiyak na maiiwasan ang hawaan ng COVID-19 sakaling mapayagan ang pag-aangkas sa motorsiklo.


"Primordial diyan 'yong health. 'Di naman biro-biro 'yong transmission [na] iniiwasan natin. Personally, hindi ako pabor, unsafe pa 'yon," pahayag ni Suansing.


"Dapat naka-PPE [personal protective equipment] pareho, 'di puwedeng plastic barrier kasi baka liparin lang 'yan. ‘Yon ngang face shield, hindi minumungkahi ‘yan habang nagmamaneho. Mas mabuti ang full face na helmet kaysa 'yong face shield," dagdag pa ni Suansing.


Nauna nang iminungkahi ng ilang motorcycle taxi platform na gumamit ng plastic shield ang mga rider at pasahero para maging mas ligtas.


Isinulong din sa House of Representatives ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na mapayagan ang mga motorcycle taxi na makapag-angkas basta't magsusuot ng PPE.


“I am aware of the reservations because of the risks of COVID-19 infection. But we are now in the mode of restarting the economy and easing quarantine rules. We have to provide acceptable mobility arrangements for them rather than just open the floodgates for people to go back to the streets and fight for the non-existent public transportation,” ani Vargas.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.