Dapat maimbestigahan ang nabunyag na overpriced fertilizers, now na!

June 22, 2020

Ka Ambo / Bistado

  

 

NATUTUWA ang mga kapwa natin magsasaka sa Bulacan nang ibunyag natin ang talamak na korupsiyon gamit ang pobreng magsasaka.

 

Kinumpirma nila ang binanggit natin na mababang presyo ng urea fertilizer na nagkakahalaga lamang ng P850 kada sako sa retail store sa kanilang mga lugar.

 

Malinaw na overpriced ang P1, 000 kada sakong presyo na isinubasta ng central office ng DA!

 

◘◘◘

 

KINONTRA mismo ng pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na si Rosendo So ang pahayag ni Agriculture Secretary William Dar na “cheaper” o mas mababa ang presyong P1, 000 kada sako ng fertilizer kaysa sa national average price na sinasabi niyang naglalaro sa P1, 043 hanggang P1, 062 per bag mula Marso hanggang Mayo sa taong ito.

 

Naapektuhan kaya ng “face apps” ang kalihim?

 

***

 

MALINAW na pantasya lamang ang presyo na binabanggit ng mga agriculture officials.

 

Sinabi ni So: “That’s pure fiction. They invented those numbers to justify the overpricing. You can go to any outlet store across Central Luzon and you will not encounter such prices. The average price is only at P850 per bag. That means under the negotiated bidding, there's a difference of almost P150 per bag at their price tag of P990 to P995”.

 

◘◘◘

 

SA totoo lang, tila pang-TikTok ang subasta ng DA dahil pinagtatawanan sila ng mga magsasaka.

 

“Farmers are laughing at the DA for making such a claim, but unfortunately, unscrupulous officials at the DA are probably laughing too, all the way to the bank after making a killing out of the emergency funds meant to protect farmers from the impact of the COVID-19 pandemic,” dagdag ng mga magsasaka.

 

◘◘◘

 

BILANG lehitimong magsasaka sa Central Luzon, hindi maaaring ipagkaila ang aktuwal na presyo ng fertilizers kaya’t kung mag-i-imbestiga ang Malacañang, Ombudsman at Kongreso — malinaw na sasabit ang mga buwitre ng pamahalaan.

 

Lahat ng munisipalidad ay may retail outlet ng fertilizers kaya mabilis na matutukoy ang overpricing!

 

◘◘◘

 

NAKAPAGTATAKA mas mataas ang presyo ng mga importer na kakutsaba ng DA kaysa sa presyo sa mga retail outlets.

 

Hindi dapat ikatwiran ang dagdag na transportation cost sapagkat presyo sa retail outlets ang P850!

 

◘◘◘

 

MAY kutob tayong itinaas ang presyo ng fertilizers upang may mapagpartihan ang mga signatories sa kontrata.

 

Kumbaga, maaaring nagbubulungan sila: “Pre, may tuhandred ba tayo riyan?”

 

He-he-he!

 

◘◘◘

 

NAKAPAGSISINTIR kasi P5.69 billion pondo ito para sa mga naapektuhan ng pandemic, pero ninanakaw ng mga buwitre.

 

Dapat na talagang kumilos si Tatay Digong.

 

Tsk-tsk-tsk!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.