Chinese sa ‘Pinas, may POGO na, may “perya-con jueteng” pa!

June 22, 2020

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

  

 

MGA GOVERNOR AT MAYOR, “BINARAKO” NG PNP PARA SUPORTAHAN ANG ANTI-TERROR BILL? — Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinadala na raw ni DILG Sec. Eduardo Año kay P-Duterte ang listahan ng mga governor at mayor na sumusuporta sa Anti-Terror Bill.

 

Kung ganu’n, totoo pala ang ibinulgar ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, na batay sa nakuha niyang “memo” sa PNP ay “binabarako” ng mga parak ang mga governor at mayor para suportahan ang nasabing panukalang-batas, period!

 

◘◘◘

 

KAPAG BUMBERO ANG NASANGKOT SA MASS GATHERING, SIBAK AGAD PERO KAPAG POLICE GENERAL, TIKLOP ANG DILG — Mali ang akala ni DILG Sec. Año na papalakpakan siya ng publiko sa pagsibak niya kay Bureau of Fire Protection (BFP)-Region 6 Director, Col. Roderick Aguto at sa mga tauhan nitong bumbero dahil sa paglabag sa mass gathering nang mag-“party-party” sa Boracay Island.

 

Sa halip na palakpak, batikos sa publiko ang inabot ni Sec. Año kasi lumalabas na mga bumbero lang ang kaya niyang sibakin dahil nang labagin din ni NCRPO Director, Gen. Debold Sinas ang mass gathering sa kanyang birthday party, este, “mañanita”, porke police general ito, tiklop ang DILG secretary kasi hindi niya ito sinibak, boom!

 

◘◘◘

 

BUKOD SA POGO, CHINESE, SABIT DIN SA “PERYA-CON JUETENG” — Isang Chinese diumano na may alyas na Tony Ong ang financier ng pasugalang “perya-con jueteng” na pinamamahalaan ng isang “Fajardo” at sa ngayon daw ay nag-o-operate na ito sa Pangasinan.

 

Kung ganu’n, hindi lang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang pasugalang ino-operate ngayon ng mga Chinese sa Pilipinas kasi pati pala “perya-con jueteng” ay pinasok na rin nila, buwisit!

 

◘◘◘

 

MANRARAKET NA SI “TONY ONG” AT “FAJARDO” NG PANGASINAN, DAPAT IPA-“TOKHANG” NINA GOV. ESPINO AT COL. MARANAN — Kung totoo na laganap na sa Pangasinan ang “perya-con jueteng” ay dapat umaksiyon na sina Gov. Amado Espino III at Police PD Col. Redrico Maranan laban sa mga manraraket na sina “Tony Ong” at “Fajardo”.

 

Dapat isipin nina Gov. Espino at Col. Maranan na mabilis makahawa ang virus at sa pagpapataya ng mga kubrador ay tiyak na malalabag ng mga ito ang social distancing at kapag nagkataong isa sa mga ‘yan ang may virus, nakupo, hawaan na ito!

 

O, ano pa ang hinihintay ninyo Gov. Espino at Col. Maranan? Aksiyon na, ipa-“tokhang” n’yo na ang mga manraraket sa Pangasinan, dali!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.