Blockbuster ang laban ni Plania, paborito sa U.S.

June 22, 2020

 

Higit na mas maraming nakapanood ng laban ng bagong Filipino boxing sensation na si Mike‘Magic” Plania nang makuha nito ang upset victory laban kay Joshua Greer Jr. sa EstadosUnidos kumpara sa naging unang palabas ng Top Rank show ng magbalik live telecast ito noongunang linggo ng Hunyo.

Sa inilabas na pananaliksik ng Nielsen Media Research ay umabot sa 503,000 audiencehanggang sa katapusan ng main event ang 3hrs, 49mins na broadcast ng ESPN kung saan nag-aaverage ang naturang telecast ng 350, 000 viewers.

Mas mataas ito ng bahagya sa naunang laban ni World Boxing Organization (WBO)featherweight champion Shakur Stevenson na umabot lamang ng peak audience na 392,000 andaverage audience na 311,000 noong June 9 event sa parehong lugar na pinagdausan sa MGMGrand Conference Center sa Las Vegas, Nevada.

Ipinalasap ng 23-anyos na tubong General Santos City ang dalawang knockout kay Greer noongMiyerkules upang mapagwagian ang 10-round non-title match sa bisa ng majority decision parasa ikalawang Top Rank event.

Dalawang beses pinadapa ng International Boxing Federation North American (IBFNA) super-bantamweight champion ang American fighter sa first round at sixth round. Sinubukan pa niGreer (22-2-1, 12KOs) na maghabol ngunit hindi ito naging sapat upang paburan ng mgahuradong sina Tim Cheatham 96-92, Patricia Morse Jarman 97-91 at Dave Moretti 94-94 angFilipino boxer.

Nagawa ring putulin ng dating amateur boxer mula Association of Boxing Alliances in thePhilippines (ABAP) ang 19-fight winning streak ni Greer at iangat ang nine-game winning boutspara sa 24-1, 12KOs rekord, na naging impresibo rin sa huling laban ng agawin ang titulo kayGiovanni “Baby Face” Gutierrez ng Nicaragua sa pamamagitan ng unanimous decision.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.