Bilyones na utang sa buwis ng POGO ang habulin, 'wag ang maliliit na online sellers, plis lang!

June 22, 2020

Imee R. Marcos / Buking!

  

 

Wala sa hulog ang anunsiyo ng BIR na papatawan ng buwis ang online selling o mga serbisyo.

 

‘Kalokah! ‘Yun na nga lang ang natitirang pag-asa ng iba nating kababayang na nawalan ng trabaho na kahit paano, eh, kumita ng pa singkuwe-singkuwentang tubo, bubuwisan pa ba?

 

Juicekoday mga frennie, ako ay nahihilo sampu ng aking mga kasamahan sa gobyerno sa kakahanap ng remedyo kung paano natin matutulungan na magkatrabaho ang ating mga nasibak na mga kababayan dulot ng pananalasa nitong COVID-19 pandemic, ‘susmaryano ito namang mga kasama natin sa BIR napaka-wrong timing!

 

Heler! Bagama’t gusto ng BIR na kahit paano ay makabangun-bangon sa koleksiyon, pero naman mga besh biktimahin ‘yung mga biktima na ng matinding dagok dahil sa resulta ng COVID-19, na tiyak ay lalo lang nilang ikababagsak.

 

‘Yun na nga lang ang nakikita nilang pag-asa para pansamantalang maitawid ang pamilya nila sa gutom, ‘wag naman natin sila ibaon sa hirap! ‘Kalokah!

 

Mga friendship natin d’yan sa BIR plis naman, bigyan natin ng sapat na panahon ang underground economy at tumulong na makabangon ang ekonomiya ng bansa.

 

Juicekopo, eh, kung umuusad at paumpisa pa lang mga online sellers o kahit sabihin kumikita sila kahit papano, suportahan natin. Hindi ‘yung nakasilip kaagad tayo sa kita nila at kulang na lang ay pilipitin sila para magbuwis.

 

Bakit pinag-iinitan ang maliliit na kababayan natin na natututo sa online selling, bakit hindi ituon ng BIR ang focus nito sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na bilyones ang kinikita at iyon ang habulin sa buwis. Minsan, nasa pagpa-prioritize lang ‘yan, at plis lang huwag nang pag-initan ang maliliit na online sellers.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.