49 coast guard, positive sa COVID-19

June 22, 2020

May 49 personnel ng Philippine Coast Guard ang nagpositibo sa covid-19.

 

Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia, sa nasabing bilang ay 30 na ang nakarekober.

 

Habang ang iba naman sa kanila ay patuloy pang lumalaban sa sakit.

 

Ang PCG ay kasama sa mga frontliner na tumutulong sa pag-asiste sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na dumarating sa bansa.

 

Tumutulong din sila sa pag-asiste sa iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

“Itong effort at itong hinaharap nating pandemic, first time natin na harapin ito. Since na first time natin, siyempre nabigla tayo,” pahayag pa ni Ursabia.

 

Kaya naman kahit na nagulat at walang umiiral na doktrina ay patuloy aniyang kumikilos ang PCG.

 

Kumpara aniya sa mga nakalipas na proseso ng pagtanggap ng mga OFWs, nagkaroon na aniya sila ng improvement sa ngayon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.