‘Red tape’ sa building permit ng telco tower, pinalagan

June 22, 2020

Mabilis na matutugunan ang kakulangan ng internet sa maraming lugar sa bansa at ang pangangailangan ng mabilis na digital function sa panahon ng krisis tulad ngayong pandemya kung agarang mapupunuan ng mga telco ang kakulangan ng kanilang mga tore o cell towers.

 

Pahayag ito ng Citizen Watch Philippines, makaraang tumanggap ng ulat na sobrang naiipit ang mga kontraktor ng telco towers sa proseso ng construction at work permits mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

 

Partikular na tinukoy ang umano’y sobrang habang panahong paghihintay ng building permission sa mga lokal na pamahalaan bago pa makapag-umpisa ng pagpapatayo ng cell towers.

 

Hiniling ng advocacy group sa gobyerno na rebisahin at gawing makatuwiran ang permitting and certification requirements sa lahat na telco projects at kailangan umanong maipatupad nang mahigpit ang iniutos sa DICT Circular No. 8 na pitong araw lamang tatagal ang pagproseso ng nasabing construction permits.

 

Binanggit din ng CWP ang katotohanang iminulat ang bansa ng pandemyang COVID-19 sa pagyakap ng teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay, sa mabilis at ligtas na komunikasyon sa kapwa at maging sa pagsisikap na mag-survive sa mga gastusin sa pamamagitan ng bagong tuklas na online livelihood activities.

 

Nauna nang nagreklamo ang ilang civil works contractors ng telco towers sa umano’y ‘red tape’ at hindi makatuwirang rekisitos sa pagproseso ng building permits, lalo na sa ilang LGUs na inuupuan ng ilang tiwaling lingkod-bayan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.