top of page
Search
  • Maeng Santos

Tserman niratrat ng mga nakamotor, todas


Isang barangay chairman ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hatinggabi.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Chairman Gally Dilao, 59, ng Bgy. 151, Bagong Barrio.

Inatasan naman ni Caloocan City Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan si Caloocan Police Chief Col. Dario Menor na magsagawa ng follow-up investigation laban sa mga suspek, kabilang ang utak sa pamamaslang.

Alas-12:00 ng hatinggabi, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Progreso St. pauwi matapos dumalo sa birthday celebration ni Kagawad Maning Llorica nang harangin ito ng mga suspek na pawang nakasuot ng itim na face mask at sakay ng tatlong motorsiklo saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Mayor Oca sa pamilya ng biktima.

“Congressman pa lang ako ay personal nang malapit sa akin si Kap. Dilao kaya batid natin na mapagmahal ito sa pamilya, mabait na kaibigan at mapagbigay na lider sa kanyang mga nasasakupan”, pahayag niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page