top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

Pagkalaki-laki ng inutang ng gobyerno, tapos wala na agad pera? Ngek!

ANG LAKI NG INUTANG, TAPOS WALA NA RAW PERA ANG BAYAN?—Batikos ang inabot sa publiko ni P-Duterte sa sinabi niyang wala nang pera ang gobyerno kaya transistor radio na lang ang bibilhin para sa mga guro at mag-aaral sa mga malalayong lugar. Mababatikos talaga si P-Duterte kasi malaki ang inutang ng gobyerno para panlaban sa COVID- 19 at pantustos sa pangangailangan ng mamamayan pero hindi pa man ramdam kung ano ang mga pinagkagastusan sa mga inutang, maririnig agad natin sa Pangulo na wala nang pera ang pamahalaan, buwisit!

◘◘◘

SABLAY ANG PATUTSADA NI ROQUE KAY VP LENI—Naglaban-bawi si Presidential Spokesman Harry Roque sa patutsada niya kay VP Leni Robredo. Nang punahin ni VP Leni ang kapabayaan ng gobyerno sa pagbibigay ng public transport sa mga stranded na pasahero na nagdulot ng kamatayan isa nating kababayan ay pinatutsadahan ito ni Roque na mag-ambag na lang daw ng maitutulong. Pero nang putaktihin siya ng batikos ng mga netizens at ipamukhang maraming naitulong ang Office of the Vice-President (OVP), biglang-bawi ang presidential spokesman na kinikilala naman ng Duterte gov’t. ang mga naitutulong nito sa mamamayan sa panahon ng krisis, boom!

◘◘◘

DOH, MAS BILIB SA TESTING KITS NA GAWANG CHINA KAYSA GAWANG PINOY—Kukuwestiyunin ng Ombudsman ang mga opisyal ng Department of Health kung bakit bumili pa ng mga COVID-19 testing kits sa ibang bansa at “ibinasura” ang mga testing kits na gawa ng mga eksperto na taga-University of the Philippines. Ang bansang tinutukoy ni Ombdusman Samuel Martires ay China dahil d’yan lang naman umaangkat ang DOH ng mga medical supplies na may kinalaman sa COVID-19. Pambihira, imbes na i-promote ang testing kits na gawang Pinoy kasi aprub naman sa Food and Drugs Administration na gamitin ito ay pinalabas pa ng DOH na hindi ito oks gamitin kaya sa China pa sila umangkat ng mga testing kits, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MAY PANDEMYA NA, MAY EJK PA—Noong June 18 ay pinasok ng mga armadong lalaki ang inuupahang bahay ng magka-live-in na sina Alfie Sumaya at Mona Zafe sa Bagong Silang, Caloocan City at pinagbabaril ang dalawa hanggang sa mapatay. Kakila-kilabot naman, may pandemya na nga, may EJK pa? ‘susmaryosep!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page