Mass gathering sa colleges at universities, puwede sa MGCQ — IATF

June 20, 2020

Maaari nang magdaos ng mass gathering sa mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng modified general community quarantine ngunit sa limitadong kapasidad.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 basta't sundin lamang ang minimum health standards.

 

"Pinayagan na rin ang mass gathering sa higher educational institutions ngunit, kailangan silang sumunod sa existing guidelines sa ilalim ng MGCQ," ani Roque.

 

Nabatid na sa ilalim ng MGCQ ay pinapayagan na ang pagsasagawa ng mga mass gatherings na sakop ng entertainment at mga libangan pero 50 percent capacity lamang ng isang venue.

 

Kasama rin aniya sa napagkasunduan sa IATF ay ang pag-amiyenda ng Omnibus Guidelines on Community Quarantine in the Philippines.

 

"Una, pinayagan na po ang Technical-Vocational Education Training (TVET) ng TESDA sa GCQ at face-to-face TVET training sa hanggang 50% site capacity naman sa MGCQ subject to compliance with minimum public health standards and TESDA guidelines at may konsultasyon sa mga LGU," wika pa ni Roque.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.