top of page
Search
  • Persida Acosta

Karapatan sa paggawa

Nakasaad sa ating Saligang-Batas, partikular sa Artikulo XIII, Seksiyon 3, ang mga sumusunod na probisyon kung saan nakapaloob ang mga karapatan ng mga manggagawa:

“SEK. 3. Dapat magkaloob ang estado ng lubos na proteksiyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at hindi organisado at dapat itaguyod ang puspusang trabaho at pantay na mga pagkakataon para sa lahat. Dapat nitong garantiyahan ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa sa pagtatatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang naaalinsunod sa batas. Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong kalagayan sa trabaho at makatarungang suweldo. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas. Dapat itaguyod ng estado ang prinsipyong hatiang pananagutan ng mga manggagawa at employer, at ang preperensiyal na paggamit ng boluntaryong mga pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan, kabilang ang konsilasyon at dapat ipatupad ang pagtalima rito ng isa’t isa upang maisulong ang katiwasayang industriyal. Dapat regulahin ng estado ang ugnayan ng mga manggagawa at employer, dahil sa pagkilala sa karapatan ng paggawa sa karampatang kaparte nito sa mga bunga ng produksiyon at sa karapatan ng mga negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, at sa paglawak at paglago.” Sa mga nabanggit na probisyon ay mapapansin natin kung paano pinahahalagahan ng estado ang mga manggagawa, anuman ang uri ng kanilang trabaho. Ang bawat manggagawa ay pinagkalooban ng Saligang-Batas na magtatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang alinsunod sa batas. Ang karapatang bumuo at sumanib sa lehitimong organisasyon ay mayroong kaakibat na responsibilidad. Kaiba ang pagsali sa lehitimong organisasyon at iba rin ang karapatang sumali sa magkakaugnay na pagkilos sapagkat mayroong mga bagay na kailangang isaalang-alang. Sa Article 263 (g) ng Presidential Decree (P.D.) No. 442 o Labor Code of the Philippinesnakasaad na: “g) When, in his opinion, there exists a labor dispute causing or likely to cause a strike or lockout in an industry indispensable to the national interest, the Secretary of Labor and Employment may assume jurisdiction over the dispute and decide it or certify the same to the Commission for compulsory arbitration. Such assumption or certification shall have the effect of automatically enjoining the intended or impending strike or lockout as specified in the assumption or certification order. If one has already taken place at the time of assumption or certification, all striking or locked out employees shall immediately return-to-work and the employer shall immediately resume operations and readmit all workers under the same terms and conditions prevailing before the strike or lockout. The Secretary of Labor and Employment or the Commission may seek the assistance of law enforcement agencies to ensure compliance with this provision as well as with such orders as he may issue to enforce the same.” Sa probisyong ito nakasaad ang mga limitasyon sa karapatang mag-strike ng mga empleyado sa mga industriyang may kinalaman sa pangkalahatang interes. Para maiwasan ang hindi magandang epekto ng pagwewelga ng mga empleyado sa mga industriyang ito, ang Kalihim ng Paggawa ay mamamagitan sa hidwaan ng employer at ng mga empleyado at kapag nangyari ito ang bawat panig ay marapat na tumalima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page