25 pulis, positibo sa COVID-19

June 20, 2020

Isinailalim sa lockdown ang dalawang opisina ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Camp Sotero Cabahug matapos umabot sa 25 police personnel ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang rapid test.

 

Ayon sa officer-in-charge ng CCPO Col. Cydric Earl Tamayo, kabilang dito ang kanyang opisina sa City Director’s Office at ang Operations Division.

 

Hindi umano bababa sa 14 na mga personnel sa nabanggit na mga opisina ang naka-isolate ngayon sa second floor ng CCPO building kabilang ito at hindi muna sila pinapayagang makalabas at makauwi sa kani-kanilang bahay.

 

Kaugnay nito, sinimulan na ring isagawa ang contact tracing at agad namang inilagay sa isolation center ang 25 nagpositibo habang ang iba’y naka-home quarantine.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.