top of page
Search
  • Mylene Alfonso

11 empleyado ng DSWD, positive sa COVID-19


Ibinunyag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 11 sa kanilang tauhan ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang inianunsiyo ni DSWD Undersecretary Rene Paje, kung saan tiniyak ng opisyal na patuloy naman ang trabaho ng ahensiya.

"Ikinalulungkot po namin na 11 na sa kawani ng DSWD ang natukoy na positibo sa COVID-19," ayon kay Paje sa Laging Handa public briefing.

"Ngunit patuloy pa rin po ang ating mga empleyado, ang ating mga frontliner sa pagganap sa kanilang tungkulin," diin ni Paje.

Sinabi ni Paje na bilang alalay sa kanila, nai-refer na ng ahensiya ang mga nahawaang empleyado sa mga ospital at medical services sa kani-kanilang mga lugar.

Sa kabila nito, inihayag ng opisyal na nag-isyu ang ahensiya ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa kanilang mga frontliners na patuloy na nalalantad sa virus habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Nabatid na ang DSWD ang siyang namamahala sa pamamahagi ng cash assistance para sa pangalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) simula June 17.

"Patuloy lamang po ang pag-ingat at sinusuportahan naman po natin sila sa pamamagitan ng pag-issue ng mga PPEs at iba pang mga gamit na makakatulong upang maiwasan ang COVID," dagdag ni Paje.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page