Para ‘di naaantala ang ayuda — P-Digong | National ID, madaliin na

June 20, 2020

Target ng pamahalaan na maisama na sa national database ang lahat ng mga Filipino pagdating ng taong 2022.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapatupad ng national ID system.

 

"Ito po iyong pinagbilin ni Presidente kay acting Secretary Karl Chua na talagang madaliin itong implementasyon ng national ID system dahil kung mayroon na nga tayo na national ID system, hindi na sana naantala iyong pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan," ani Roque.

 

"So as of now po, tina-target po ng NEDA na itong taon na ito ay ma-cover po ang five million Filipino households. At inaasahan din po nila na by 2022, every Filipino will be included in the database of the national ID system," wika pa ng Kalihim.

 

Nakita umano ng Pangulo ang kahalagahan ng nasabing system sa gitna ng pandemya lalo na sa aspeto ng pamamahagi ng mabilisang ayuda sa mga biktima ng iba't ibang uri ng kalamidad, mga sakuna at health crisis.

 

Dagdag ni Roque, kung naipatupad sana nang mas maaga ang national ID system, hindi maaantala ang pamamahagi ng tulong sa mga Filipino at hindi nabahiran ng katiwalian ang pamimigay nito.

 

Sa kasalukuyan, inuunang mailagay sa national database ang 5 milyong mga Filipino households at target itong matapos ngayong taon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.