top of page
Search
  • V. Reyes​

Mag-BFF, nag-away sa lalaki | 15-anyos na bebot pinatay ng bading


Patay ang 15-anyos na babae makaraan umanong gilitan at pagsasaksakin ng kanyang nagselos na bestfriend na bading sa Cabadbaran, Agusan del Norte.

Nasubukan ang matatag na pagkakaibigan ng biktimang itinago sa pangalang ‘Maureen’ at ng suspek na si Racman Panondi, 22, nang magkagusto sila sa iisang lalaki.

Sa salaysay ni Panondi, nobyo umano nito ang lalaking kasing edad ni ‘Maureen’ na itinago sa pangalang ‘Jessie’.

Gayunman, nang magkagusto ang lalaki kay ‘Maureen’ ay nabalewala na ang suspek at natuon ang atensiyon ng inaangkin nitong nobyo sa biktima. Bunsod nito, labis na nagselos si Panondi. Maliban sa sugat sa leeg ay may mga saksak din sa tiyan ang biktima na natagpuang patay sa isang sementeryo sa lugar.

Nabatid naman mula kay Police Major Renel Serrano, tagapagsalita ng Police Regional Office-13, naisampa na ang kasong murder laban sa suspek.

"Siya 'yung umamin na salarin sa naturang krimen, dahil nag-execute siya (ng) extrajudicial confession subscribed by the public attorney's office assisted by his counsel," ayon kay Serrano.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page