top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

Hirit na isama si VP Leni sa IATF, sinopla ni Spox. Roque, huwaaaw!

HIRIT NI TRILLANES NA ISAMA SI VP LENI SA IATF, IBINASURA NI ROQUE — Matapos magkaroon ng sigalot ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na humantong sa pagkakasibak kay Dr. Tony Leachon bilang special adviser ng National Task Force on COVID-19 ay nanawagan si ex-Sen. Antonio Trillanes kay P-Duterte na italaga si VP Leni Robredo sa IATF-EID upang makatulong ito sa pamahalaan sa paglaban sa coronavirus.

Ang ganda ng mungkahi ni Trillanes para magkatulungan ang Duterte gov’t. at Office of the Vice-President (OVP), pero ang masaklap, wala pang sagot si P-Duterte ay nag-feeling Pangulo si Presidential Spokesman Harry Roque nang ibasura ang suhestiyon ng dating senador, boom!

◘◘◘

HANAPBUHAY ANG KAILANGAN NG MAMAMAYAN, HINDI ANTI-TERROR BILL — Iminungkahi ni military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio kay P-Duterte na pansamantala munang isantabi ang usapin ng Anti-Terrorism Bill dahil hindi ito ang tamang panahon para isabatas ito sapagkat sa panahon ng krisis, ang dapat tugunan ng gobyerno ay ang kahirapang dinaranas ng mamamayan dulot ng COVID-19.

Korek! Sa totoo lang, ang kailangan ngayon ng mamamayan ay hanapbuhay para muling makapagsimula sa buhay at hindi ang “Anti-Terror” Bill, period!

◘◘◘

DAPAT PA BANG I-MEMORIZE KUNG BAKIT BAD ANG TRATO NG KONGRESO SA ABS-CBN? — Bumanat si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ay hindi raw patas ang trato nina Rep. Franz Alvarez, chairman ng House Committee on Legislative Franchise at Rep. Jonathan Sy-Alvarado, chairman ng House Committee on Good Government sa ABS-CBN kaugnay sa hinihirit nitong prangkisa kasi hinahayaan lang ang mga kongresistang anti-Kapamilya network na siraan ito (ABS-CBN) at maikling oras lang ang ibinibigay sa kampo ng network para depensahan kanilang kumpanya.

‘Sus, dapat pa bang i-memorize kung bakit ganyan ang trato sa Dos ng dalawang komiteng ito, eh, sa una pa lang ay parang ayaw na nilang i-renew prangkisa nito, boom!

◘◘◘

ANG BANTOT NG IMAHE NGAYON NG TESDA — Dahil sa pagkakatalaga ni P-Duterte kay ex-ACT-OFW Partylist Rep. Aniceto Bertiz bilang deputy director-general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay lalong bumantot ang imahe ng ahensiyang ito ng gobyerno.

Mantakin ninyo, ang Director-General ng TESDA na si ret. Gen. Isidro Lapeña, nasangkot sa shabu smuggling noong commissioner pa ito ng Bureau of Customs, tapos ang deputy director-general ng ahensiya na si Bertiz ay sangkot naman sa pang-aabuso sa mga empleyado ng NAIA, buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page